PAANO GUMAGANA ANG
AUDSMART ?
PAGLALAGAY NG ORDER
Magkano ang gusto mo ipadala? At para kanino?
And to whom?
2
PAGLIPAT NG PERA
Paglipat ng pera sa bank account ng AUDSmart.
AUDSmart's bank account
3
TAPOS NA
AUDSmart transfer your money
to your beneficiary
4
KARANIWANG MGA TANONG TUNGKOL
AUDSMART
GAANO KATAGAL ITO?
Ang paglilipat ng karamihan sa mga currency, tulad ng Thailand at Australia, ay magagawa sa loob ng isang araw o pinakamatagal na ang kinabukasan. Para sa ibang currency, ito ay magagawa sa loob ng 1 hanggang 3 business days.
PAANO KO MASISILIP ANG ESTADO NG AKING PERANG ILILIPAT?
Ang estado ng perang iyong nais ilipat ay makikita sa iyong dashboard sa oras na simulan mo ang paglilipat hanggang sa makarating ang pera sa nais mong padalan.
ANONG ORAS NAGPO-PROSESO ANG AUDSMART?
Ang aming website ay bukas 24 oras araw-araw, 7 araw kada linggo. Maaari kang umorder at maglipat ng pondo Maaari kang umorder at maglipat ng pondo (gamit ang internet banking) anumang oras mo gustuhin. Ipoproseso (namin) ang iyong transaksyon tuwing business hours mula Lunes hanggang Biyernes 9:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.
PAANO KITA MAPAGKAKATIWALAAN?
AUDSMART legally operates international fund transfer under AUSTRAC control. Check our license on: AUSTRAC AU C&E at hanapin ang "DollarSmart Global"
PAANO AKO MAGPAPADALA NG PERA SA IYO?
Maaari kang magpadala ng pera sa amin sa pamamagitan ng internet banking at pagdedeposito ng pera sa mga branch ng DBS.
PAANO KITA MAPAGKAKATIWALAAN?
Ang issue na ganito ay maaaring mangyari paminsan-minsan; pag ito ay nangyari sa iyong pagrerehistro, mag email lamang ng mga dokumentong sumusuporta dito sa support@audsmart.com at tutulungan ka naming makumpleto ang pag-upload mo.
AUDSMART GINAGAWANG MAS MAHUSAY NA BUHAY
ANG MGA PRESYO
Walang bayad, walang mga pagsingil,
AUD pinakamahusay na mga rate.
Maginhawa
Gawin ang iyong transfer mula
sa kahit saan anumang oras, sa anumang device
Madaling gamitin
Kumpletuhin ang isang transaksyon
sa loob ng ilang mga simpleng hakbang.
Mabilis
Agad na ilipat
ang iyong pera sa ibang bansa.
Secure
Ang iyong data ay pinananatiling ligtas
at pribadong sa lahat ng oras.
Legal
Ganap na namin ay lisensiyado
sa lahat hurisdiksyon paandarin namin.
PAGLILIPAT NG PERA SA KAHIT SAANG PANIG NG MUNDO
CO FOUNDER NG
AUDSMART
DWIGHT WILLIS
Chief Executive Officer
"Isang Australyanong nakatira sa Asya na may 25 taong karanasan sa international banking at gustong maghatid ng mas maayos at mas murang solusyon ng paglilipat ng pera...
Kulang MasAno Ang Iyong Karansan Sa Trabaho?
Ako ay 25 taong gulang na beterano sa Banking Technology na sa kasalukuyan ay humahawak ng posisyon sa Global Management sa Standard Chartered Bank at WestLB AG. Pero noong 1990s, sa loob ng 7 taon, ako ay nagtrabaho para sa St. George Bank sa Sydney. Ako ay tumira at nagtrabaho sa Sydney, London at sa kasalukyan naman ay nasa Asia, Thailand. Ako ay eksperto na sa Foreign Exchange. Ako, kasama ang aking mga co-founders, ay mayroong malalim na pag-unawa sa mga produkto at teknolohiya ng foreign exchange.
Bakit sa Asia?
Ako ay lumaki sa Australia, pero ang pagmamahal ko sa lahat ng bagay ay nasa Asia. Ako ay nagsimula noong nagkaroon ng exchange program ang Sydney University sa Silpakorn University ng Thailand noong 1988. Nakapaglakbay na ako at nakapagtrabaho sa halos lahat ng bansa sa Asia at may malalim na pag-unawa sa iba't ibang kultura, legalidad at (sa)pagnenegosyo sa Asia.
Bakit Ang Negosyong Paglilipat ng Pera?
Katulad ng maraming tao sa Asia at Australia, ako ay naiinis sa halaga ng paglilipat ng pera mula Australia papuntang ibang bansa o mula sa ibang bansa papuntang bansa kung saan sila nakatira. Ito ay mahal, hindi madaling gamitin at mabagal. Gusto naming baguhin sa BahtSmart ang ganoon: kami ay magbibigay ng ligtas, madaling gamitin, mabilis at sulit na paglilipat ng pera mula sa pinakamaliit hanggang sa pinakamalaking halaga.
HALDANE MARNOCH
Chief Technology Officer
"Isang Foreign Exchange Technologist na gumagawa ng makabagong sistema sa IT para sa pagpapadala ng pera sa mga bansa sa Southeast Asia."
Kulang MasAno Ang Iyong Karanasan Sa Pagtatrabaho?
Ako ay nagsimula bilang Chemical Engineer pero di nagtagal ay lumipat sa IT noong ako ay sumali sa BBC para tulungan silang buuin ang kanilang teknolohiya para sa makabagong Digital Terrestrial Television platform. Pagtapos ng ilang taon sa BBC, ako ay lumipat sa IT Operations sa Morgan Stanley. Dahil sa pakikipagtrabaho ko sa Trading Desk, naranasan ko ang mabilis na galaw ng pagnenegosyo ng Foreign Exchange at nanatili ang interes ko dito mula noon. Sa loob ng ilang taon sa Morgan Stanley, ako ay nakatulong sa pagpapatatag at pagpapaganda ng kanilang sistema at teknolohiya para masiguradong mananatili sila sa merkado, makakapag-alok ng presyo sa kanilang mga kliyente sa lahat ng oras, lalo na sa mga panahong tumaas ang dami ng palitan sa merkado.
Bakit Asia?
Ang Southeast Asia ay ang tahanan ko at ng pamilya ko at ito ay isang lugar na napakagandang tirahan na may mayamang kultura at kasaysayan.
Bakit Ang Negosyong Paglilipat ng Pera?
Marami sa mga ekonomiya sa Southeast Asia ay malakas at nakatakdang lumago ng mas mabilis higit saanman sa mundo. ASEAN ang pinakamatalinong pagpipilian ng negosyante sa hinaharap. Samantala, ang mekado ng FX ay patuloy na lumalawak at ang mga dumaraming kakumpitensya sa negosyong ito ay maganda para sa mga customer (mamimili)dahil nakikinabang sila sa mas murang presyo at mas magandang serbisyo mula sa mga tagapaghatid ng serbisyo tulad namin. Ang merkado ng currency sa ASEAN ay matinding nangangailangan ng magagandang kompanya ng FX remittance at gusto naming punuan ang pagkukulang na ito.
NUTTAWUTH CHAINILPHAN
Chief Operating Officer
"Isang Thai na nagtuturo ng IT na may karanasan sa Engineering at Business Development, na gustong magpasaya ng mga customer at magtira ng mas maraming pera sa kanilang mga bulsa."
Kulang MasAno Ang Iyong Karanasan Sa Pagtatrabaho?
Ang unang parte ng aking karera (tungkulin)ay nagsimula sa IT Engineering at sa pagtuturo. Ako ay nagsimula bilang guro ng Computer Science sa Payap University sa Thailand bago naging tagapangasiwa ng teknolohiya sa Tridhos International School kung saan nagbigay din ako ng serbisyong pang-IT sa lokal na opisina (pamahalaan) ng banyagang gobyerno. Pinalawak ko ang kakayahan ko sa negosyo at pakikipagpalitan sa pamamagitan ng pagtatayo ng isang negosyo online na nag-eexport ng mga lokal na produkto sa ibang bansa. Pagtapos noon, lumipat ako sa business development at (and) management, (ang) pagtatrabaho para sa isang internasyonal na kompanya sa pakikipapalitan, (pakikipagpalitan)sa isang sangay na nagbebenta ng gamot, at sa pamamahala ng isang International Business Process Outsourcing firm.
Bakit Asia?
Ako ay isang maswerteng tao. Isa kong Thai na nagtrabaho at tumira sa Asia buong buhay ko. Maraming bansa sa Asya ang napakaganda kung saan makakahanap ako ng magandang balanse sa pagitan ng trabaho at pamumuhay.
Bakit Ang Negosyong Paglilipat Ng Pera?
Una, noong ibinahagi ng mga co-founder ko ang ideya ng pagtatayo ng isang negosyo na naglilipat ng pera sa Thailand at iba pang panig ng mundo, naisip ko na isang magandang oportunidad para sa mga Thai ang pagkakaroon ng murang paraan ng pagtanggap ng pera. Bukod pa rito, base sa mga karanasan ko noon sa pakikipagpalitan, nakaranas na ko ng maraming problema sa pagbabayad o pagtanggap ng pera dahil sa mataas na bayarin at pagka-delay ng serbisyo. Gusto ko maging parte ng isang negosyong babago sa paraan kung paano nililipat ang pera na makapagpapasaya sa aming mga customer at mag-iiwan ng mas maraming pera sa kanilang bulsa.